Saturday, September 30, 2006

Salamat sa Iyo

Umaasa ako,
nagpapakatotoo.
Walang nililihim,
walang tinatago.

Para akong paru-paro
lalapit, lalayo
ngunit dadapo rin -
magpapahinga.

Sa piling mo
ako kasi ay
payapa.

Sa mga binibitiw
mong mga salita
ika'y mas nakikilala.

Kaibigan ko,
salamat sa iyo.

Ikaw ang hulog ng langit
Di ko sinasadyang masalo.

No comments: