Pasimple ka pang magpakita.
Di ko talaga hangaring bilhin ka sa simula.
Kumulo lang ang aking tiyan,
Bigla na lang kitang natagpuan.
Manong, pabili nga ho ng taho, ang wika ko.
Naalala ko bigla ang kabataan ko.
Dati-rati’y mahilig ako sa taho.
Hinihintay ko pa yan dala ang aking mga piso.
Ito ang isang bagay na nakabubusog sa akin.
Isang baso’y kaya ko simutin.
Sa muling paglasa ng taho,
Ako ay biglang nanibago.
Masarap pa rin naman ito.
Yun nga lang, mainit ho.
Nakakapaso kung hindi mag-iingat.
Masarap naman para sa may lagnat.
Kayo ang mainit na taho ng buhay ko.
Bumubusog pansamantala sa gutom na ito.
Sa unti-unting pag-inom ko,
Ako ay nagiging katulad niyo.
Salamat sa sustansyang bigay,
Kayo na taho ng aking buhay.
Di ko man madalas binibigkas,
Mahal ko kayo ng wagas.
STrains, love ko. =)
No comments:
Post a Comment