Sunday, December 20, 2009

Ikaw

Ikaw, kaibigan, kaibigan magpakailanman,
Pinupuri ka't pinasasalamatan.
Sa mga tampo't lambingan,
sa mga iyakan,
nakita ko Siya sa iyong mga mata.
Naramdaman ko ang kanyang Presensya.
Magulo man at masalimuot,
pumapaibayo pa rin ang pag-ibig,
ang pagnanasang magmahal ng walang tigil.

Kailangan man putulin ang ating paghaharap,
Ngayon ito'y sadyang napakahirap,
Naniniwala akong magkikita ulit tayo
Sa paglalakad sa ating mga landas na tinahak -
ikaw na puno na ng galak at ligaya,
akong nag-uumapawa sa pagmamahal, tapang
at pasasalamat.

Tuesday, May 26, 2009

Paglipas ng Muwang/Kaibigan

Para saan ang buhay
Nang simoy ng huling hangin
Pintig na paubos, isipang nasa takipsilim

Lilingon sa karimlan puno ng kayamanan
at kinahantungangmuling pinagsisihan

Luntiang una'y magkukulay lupa
alaala'y sinundan ng muwang na lumipas
---
Kung dugo'y siyang matimbang
Tubig na sadyang magaan
Itong may alay ng kabuhayan
Tila ang kaibigan

Kasamang pumalaot sa mapusok na karagatan
Inakyat matatarik na katuktukan
Nag-alay ng may kabukasan,
walang maliw, walang panghihinayang
Puno ng pasasalamat

Sa umaga't gabi nariyan
Hapo ma't pinasinayaan
Nagninimdim na damdami'y kinalimutan
Mapaglingkuran lamang, tunay na kaibigan.
- A, 5/28/09, UP Diliman