Tuesday, February 15, 2005

Magaslaw

Pagbagsak ng dahon,
paikot-ikot, hinihipan ng hangin
nadala ng ipo-ipo.

Tila bababa sa isang bahagi
ng hardin.
Ngunit lilipad uli, makulit
nakikipaglaro.

Paikot-ikot, baba, taas,
kanan at kaliwa.
Hindi mawari kung saan
patungo.

Sa saya at bigo
ay may paghinto.
Ngunit patuloy lang
sa paglipad at pagkilos.

Minsan nagmamadali,
nakikipaghabulan at magulo.
May mga saglit ding
tila alanganin, malumanay
o masalimuot.

Ano man ang kilos niya,
patuloy ang pag-asa.
Sa mga patak ng ulan
nakikipaglaro.
Sa sinag ng araw
sumasayaw.